If You'll Be Mine - Simula
Simula
"Ito ba?" tanong ni Nelia sa'kin habang sinusungkit 'yong bayabas sa kahoy.
"Hindi 'yan. 'Yong isa pa," sagot ko at inimuwestra ang kamay.
May hinablot siya ngunit mali iyon. Hindi niya ako nage-gets.
"Ako na nga!" volunteer ko nang tumalon pababa si Nelia.
"Mabuti pa! Ikaw din naman kakain niyan," pasigaw niyang sabi at hinulog ang mga bayabas na tinago niya sa tela ng damit
Inakyat ko ang kahoy ng bayabas at madaling pinintas iyong sobrang kulay berde na bayabas. I licked my lips. Sinuwerte pa.
Sina Sharon at Nelia sa ibaba ay kanya-kanya ng kinain ang kanilang bayabas. Tirik na tirik ang araw ngayon. Imbes na matulog kami, tumakas kami. Sino ba kasing gustong matulog araw-araw? Hindi naman pala nakakatangkad.
Simple lang ang buhay namin dito sa probinsya. Mas maganda nga rito, e. Mas malawak. Mas nakakagalaw ako kumpara sa mga siyudad.
Hinulog lahat nina Sharon at Nelia ang kanilang mga nakuha sa isang basket. Marami rin ang nakuha nila. Ako, kaunti lang. 'Di naman ako mahilig kumain nito. Madalang lang.
"Tara na," anyaya ni Sharon, mukhang kinakabahan.
May mga boses sa likod namin. Hindi ko iyon masyadong narinig pero boses lalaki ang mga iyon.
"Ha? E, tambay muna tayo sa duyan-"
"Tara na kasi... maghuhugas pa ako ng mga pinggan," pagpupumilit niya.
"E, kain muna tayo ng bayabas. Nakakapag-hintay naman 'yan. Bakit ba atat na atat ?" Lumingon sa likod si Nelia at nanlaki ang mga mata niya. "Iyang 'yong crush mo?"
Tinakpan ni Sharon kaagad ang bibig ni Nelia. "Shh! Tara na..." bulong niya.
Kumunot ang noo ko at lumingon sa likod. Agad akong tinampal ni Sharon at sinamaan ng tingin.
Matangkad iyong lalaki. Makapal ang kilay at masayahin ang mga mata. Ngumisi ako. Iyon pala 'yong mga tipo niya? Kunsabagay ay sa mga batang katulad ni Sharon, mahilig naman talaga sa fairy tale.
"Sabihin mo sa kanya na gusto mo siya! 'Wag kang torpe!" asik ni Nelia habang kinakaladkad siya ni Sharon."Aray! Bitiw na nga!"
Hindi kaya madaling mag-sabi ng feeling sa isang tao. Nagkibit balikat ako. Mahirap pero wala naman akong pakialam doon. I never like guys.
"Hindi puwede..." may kung anong emosyon sa likod ng boses niya.
"Ha?" Sabay naming tanong, pero kay Nelia, mas eksaherada.
Bagama't sanay na ako sa malaking bunganga niya, naiinis pa rin ako. Palagi naman. Ayoko sa mga maiingay pero binigyan ako ng ganoong klaseng kaibigan.
Habang pinapangaralan siya ni Nelia ng mga walang kuwentang bagay, kinakain ko lang iyong bayabas.
Hindi ako palakausap sa kanilang dalawa. Except of the reason na ako ang pinakamatanda sa'min, hindi ako interesado sa mga usap-usap na iyan. Hindi naman ako loner. Hindi ko rin ikino-consider ang sarili kong loner. Hindi ako takot makipag-usap o makipag-kaibigan. Hindi ko lang nakikita ang sarili ko roon.
Isa pang rason dahil wala rin naman kuwenta ang kausap ko. Tiningnan ko si Nelia na tagaktak ang pawis sa pakikipag-debate kay Sharon.
"Tama na nga 'yan. Huwag mong pilitin si Sharon," singit ko.
Biglang dumaan iyong crush ni Sharon sa harapan namin. Natikom ang bibig naming tatlo at binaling ni Sharon ang tingin sa kung saan para maitago ang mukha.
Nang gumabi ay tinambakan ako ng utos. Inutusan akong maglaba, magpitas ng malunggay, at maghugas ng mga pinagkainan. Imposible sa gabi ko ang tahimik. Sa lakas ng boses ni Nanay, kailangan kong tumahimik dahil grabe iyon magalit.
Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakikipag-usap. Dahil nasanay akong tahimik.
"Nahuli ng mga tanod iyang mga batang lalaki sa kanto na nambabato sa kabilang barangay," simula sa usapan ni Nanay nang isinoli ko ang pinagkainan sa drawers.
Maraming mga kolokoy dito sa'min. Masyado pang mga bata pero ang sarap upakan. Kaso bawal. Magmumukha raw akong isip-bata no'n. E, pakialam nila? Wala naman sa batas ang bawal pumatol sa mga bata, ah. Lalo na kung sila ang nagsimula.
"Ilang beses na dinaan sa counseling. Napa-barangay na. Pero 'di pa rin tinatablan. Kung pwede nga lang ipakulong, e." Umiling-iling si Nanay.
Bumuntonghininga ako. Talamak nga naman sa'min ang bullying. I was once a victim. Pero salamat kay Nanay at madisiplina siya. She's not afraid to discipline other children when she sees they're doing wrong. Very wrong.
"Amor! Amor!"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang marinig ang parang ambulansyang bunganga ni Nelia. Nasa corridor pa lang siya, abot na sa dulong classroom ang sigaw niya.
Hingal na hingal siya pagdating sa tapat ng pinto. Lumabas ako para daluhan siya. Nagsalubong ang kilay ko. What's her problem?
"Si Sharon! Inaaway noong fourth year sa ground floor na hallway! Bilis!"
In no minute, she forcefully grabbed my hands and took me to the hallway. Anong away? Bakit naman aawayin si Sharon ng fourth year? Hindi naman iyon palakausap. At mahiyain iyon.
"Tama lang sa'yo 'yan. That's your lesson for the year. Huwag kang mang-ahas ng may girlfriend!" sigaw noong matangkad at payat na babae.
I was seething with anger and confusion. Wala sa lugar ang ginawa niya!
Nakayuko lang si Sharon, basa halos ang uniporme. The crowd parted like an ocean when they saw me. Agad sumiklab ang bulong-bulongan.
"Padaanin niyo siya!"
"Anak ng Kapitan 'yan!"
"Tabi, tabi! Baka suntukin ang mukha mo ni Amor."
I excused myself. Tumama ang tingin sa'kin ng babae. H-in-ead to toe niya ako at binalik sa mga mata ko ang tingin.
I angled my face to study what happened.
"Mawalang-galang na ho pero anong komosyon ang nangyayari?" May bahid na pasensya ang tono ng pagkakasabi ko.
The girl flipped her hair and calmly answered my question. Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Walang kuwenta parang siya lang.
"Hindi naman siguro tamang ipahiya 'yong kaibigan ko-"
"Right. Kaibigan mo pala ang ahas na iyan." Tinapunan niya ng tingin si Sharon. "She should learn her lesson. Ang bata-bata niya pa para lumandi."
She looked at us. Ang mga alipores niya sa likod at nagtataray din. I clenched my fist, wanting to punch their faces.
"Amor ang pangalan niya pero puno siya ng sama ng loob..."
Sinong may sabi noon?! Gago 'yon, ah... Kung wala lang kami sa paaralan, baka nasugod ko na 'to lahat. Masyado ata nilang pinaglalaruan ang pasensya ko.
Hinead to toe ulit ako noong fourth year. "Baka kayo rin. Mag-ingat kayo. Nakakahawa ang pagiging malandi." She made a disgusted face before leaving.
Imbes na humupa ang chismis, kabaliktaran ang nangyari. Mas sumiklab iyon. Lalo na noong tumunog ang kampana, hudyat na tanghalian na.
Under the massive tree lies a small cottage. Doon kami kumain. May mga pasilungan dito na pakalat-kalat sa tabi ng soccer field. Mas tahimik dito kumpara sa cafeteria.
"Kumain ka na..." Binuksan ko ang lunch bag ni Sharon at kinuha ang tupperware niya. "Wow! Ang sarap pala ng ulam mo!"
Kinuha ko iyong kubyertos saka hinalo-halo ang lunch niya. She was just there - quiet and sad. Abala si Nelia sa pagpahid ng kanyang uniform. Wala kaming dalang extra t-shirt. Hindi ko naman inaasahan na may ganoon palang eksenang mangyayari.
Worse, I didn't know she had entered into this kind of things. Which she shouldn't be. I licked my lips. Pakiramdam ko tuloy ay isang pagkukulang ko ito dahil kami ang takbuhan ni Sharon, pero hindi namin siya nagabayan.
Suminghap siya at ginalaw ang pagkain. "Kumain ka. Hayaan mo na lang ang babaitang 'yon. May leakage ata ang utak no'n," pang-aalu ni Nelia.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nahagilap ng mga mata ko ang nag-iingay malapit sa gymnasium.
Dalawang lalaking nagtatakbuhan. One of them caught my attention. Not in a good way but just caught my attention.
Nakaputing t-shirt ito at pawisan. Malagkit ang kanyang katawan at ayaw na ayaw ko itong lapitan. Hinahabol niya 'yong kaklase niyang ilag naman ng ilag.
Alfonso is a popular guy here in our school. Maliban sa "cute" niyang mukha at ngiti, pinagkakarandapaan siya ng mga O.A na babae sa paaralan namin dahil "maginoo pero medyo bastos" daw siya.
Halos mapairap ako nang maisip ko iyon. Kumain na lang ako ulit.
Hindi kumibo si Sharon buong tanghalian namin. Si Nelia, tahimik lang din. Doon lang kami nag-usap noong tapos na kaming kumain.
"C.R lang muna ako," paalam ko sa kanila. Tumango lang ang dalawa at nauna na.
Ang tulin na paglakad ko ay humina nang may narinig akong ingay sa kabilang comfort room. Sa pang-lalaki.
"I-password mo na kasi, Geof! Pasikat naman 'to!"
"Sus! Akin nga 'yang si Cherry Anne, e!"
"Pahinging lighter!"
Nagsalubong ang kilay ko. Sumilip ako ng kaunti upang malaman kung anong komosyon doon. Hindi ako chismosa. Sadyang natural na sa'kin 'yon dahil itinuro ng Nanay sa'kin. Hindi rin naman nila mahahanap ang paki ko kahit pa batuhin nila ako na "pasikat".
"Uy, gago! May babae, 'tol!" sigaw noong isang lalaking dugyot.
Agad nahanap ng mga mata ko si Alfonso na bukas ang lahat ng butones ng polo at pawisan. Tinitingnan ko pa lang ay nandidiri na ako.
"Hi, Amor! Naparito ka?" maligayang tanong ni Alfonso.
"Gumagamit kayo ng sigarilyo?" diretsahang tanong ko.
Isa-isa ko silang tiningnan. Walang kumibo. Pati si Alfonso, lutang ang mukha. Marahil nagdadalawang-isip kung magsisinungaling o hindi.
"Bawal mag-sigarilyo, ah? Pa'no kung nahuli kayo rito?"
"Huwag kang sumabat. 'Di naman ikaw mapapahamak, e."
"Oo nga, Amor."
"Shh! Kalmahan niyo lang," si Alfonso iyon.
Bumagsak ang tingin sa'kin ni Alfonso. Umangat ang gilid ng kanyang labi at ngumiti ang kanyang mga mata.
"Ah, hello, Amor! Pasensya ka na, pero mali ang iniisip mo. Hindi naman kami nagsisigarilyo. Ah... eh, ano lang 'yan, kendi 'yan," palusot niyang bulok kaya nag-flinch siya kaunti nang kumunot ang noo ko.
"Anong klaseng kendi 'yan at kailangan sa C.R kainin? Paano kung may makina dito at nasunog kapag sinindihan niyo 'yan?! Hindi ba kayo nag-iisip?"
Kinagat ni Alfonso ang labi tila nagagalit. Sinapak niya ng mahina ang mga kasama.
"Sino ba kasing nagsabing magsigarilyo kayo, ha?! Walang magsisigarilyo! Bawal ang sigarilyo sa pamilyang 'to!" Umiilag-ilag ang iba niyang kaibigan. "Ito ba ang nag-utos na magsigarilyo, Amor?!" Hinablot niya ang kuwelyo noong isang kaibigan.
Imbes na matuwa ako ay mas lalo pang nagngingitngit sa inis at galit. Hindi ako natutuwa at hindi rin nakakatuwa.
Umirap ako at tumalikod.
"Hala, paano kung isumbong tayo noon? Anak ni Kapitana 'yon!"
"Tsss. Hindi tayo isusumbong no'n. Best friend ko 'yon!" boses ni Alfonso.
Nagtawanan ang tropa niya sa biro. Umirap ako at mas lalong kumulo ang dugo. He sounded so cocky.
Padabog akong umupo sa armchair nang makabalik. Nagulat sina Nelia sa mood ko.
Ang lalaking iyon... He's getting into my nerves.