If You'll Be Mine - Kabanata 1
Kabanata 1
Best Friend
"Talagang ginawa nila iyon?" hindi
makapaniwalang tanong ni Nelia habang puno ng fishball ang bibig.
"Hindi mo isusumbong? Paano kung may sumabog
nga?"
"E 'di may sumabog. Labas na ako sa kasalanan nila."
Maagang natapos ang klase dahil shortened time. Buong period sa panghapon, naging maayos naman. Iyong sa first period lang ay nadala ako sa prustasyon.
"'Di ba nasa listahan ni Tita Amy iyong si Alfonso? Hindi pa rin natigil."
I licked my lips. Gaano kaya ka-tigas ang ulo noon, 'no? Ilang beses na siyang na-barangay pero patuloy pa rin sa pagrerebelde.
"Chance! Sandali! Iyong notebook ko!"
Tumakbo 'yong isang simpleng babae papunta kay Alfonso. Chance, huh? Iyon 'yong pangalan niya?
Malayong-malayo ang porma niya kumpara sa babaeng nasa harapan niya. The girl's neat and well-groomed. Tapos siya, madungis at malagkit. Puno ng pawis. Paano kaya sila nagkakagusto sa mga pawisin na lalaki? Kung sa tingin nila, attractive at hot iyon, kabaliktaran naman sa'kin. It just simply means they do not have proper hygiene.
Tinanggap ni Chance iyong notebook at may sinabi pa.
"Ang daming nagkakagusto sa Chance na
'yan," si Nelia na umiinom na ngayon ng buko juice. "Maraming
nagkakandarapa sa kanya pero wala naman siyang sineryoso."
"Siya 'yong halos crush ng mga babae kong
classmates," dagdag ni Sharon.
"Tara na," yaya ko.
May pumaradang tricycle sa hintuan at sumakay kami roon. Malayo ang bahay nina Nelia kumpara sa amin ni Sharon. Kailangan niyang mag-double ride kasi walang driver ang gustong magmaneho patungo sa kanila dahil lugi raw sila.
Hindi maalis sa isip ko iyong si Alfonso. Chancellor Alfonso... iyon ang totoong pangalan niya?
Hindi ko alam 'yon. Wala rin naman akong interes para alamin kung sino siya. Buong buhay ko, alam ko lang na maraming matatanda ang nagagalit sa kanya dahil sa katigasan ng kanyang ulo.
Kagaya nga ng sabi ni Nanay, ilang beses na silang na-counseling, na-barangay, pero may epekto ba? Wala.
Grade 8 din siya katulad ko. Classmates kami noong elementary. Iyon lang ang naalala ko.
"Dito lang po!" sigaw ko para kay Sharon. Masyadong mahina ang boses niya kumpara sa makina ng tricycle.
Nang makauwi ako ng bahay ay sinunod ko na ang mga utos ni Nanay. Habang pinipitas ko isa-isa 'yong mga malunggay, kinuwento ko sa kanya iyong nangyari.
"Isumbong mo sa principal kaagad. 'Wag kang
matakot ipaglaban ang tama," utos niya sa'kin at parang galit pa.
"Hindi naman siguro nila sinindihan iyon." Dahil baka totoo naman. Baka natakot sa presensya ko.
Lumunok ako at kumurap-kurap. Aksaya lang din ng oras. Iyon lang ba talaga ang ipaglalaban ko sa paaralan? I don't want to fight for things that can just be ignored. Magmumukha akong pabida no'n.
"Pinapangunahan ka na naman ng takot?"
may bahid na insulto iyon sa akin. "Amor, kaya nga pinalaki kita ng
maayos, 'di ba, para mamulat ka sa kung ano ang tama at mali. Tapos ngayon
matatakot na ipaglaban ang tama?"
My lips shivered as I try to open it to say
something. "P-Pwede namang kalimutan iyon. Hindi na big deal."
"Ah, bahala ka."
Kinabukasan, kinuwento ko kila Nelia 'yong pinag-usapan namin ni Nanay. Ayaw din nilang madamay at wala rin silang pakialam sa mga iyon. See? I am not the only one.
We ate our recess together. Doon lang din sa maliit na kubo kung saan kami palaging nagtatanghalian kumain.
There were playing soccer. 'Yong iba ay nagv-volleyball. Physical Education nila ngayon dahil nakasuot sila ng pang-P.E. Sa amin, every Friday.
"Sharon, 'di ba kaklase mo 'yan?" tanong ni Nelia sabay turo.
Lumingon ako sa babaeng maliit at hinahabol si Chancellor. Nanliit ang mga mata ko. Pinagmasdan ko lang kung ano ang ginagawa ng babae sa kanya.
Chancellor Alfonso receiving the usual gifts from his suitors. Ganoon ba talaga siya ka-attractive para sa magustuhan?
"Oo... crush niya si Alfonso kaya ganyan
siya," maliit na boses na sabi ni Sharon.
"Sana lahat, 'no, nakaka-confess sa mga
crush nila?" Bumuntong hininga si Nelia at pinatong ang pisngi sa palad.
Nilingon ko siya. "Bakit? May crush ka
ba?"
Namilog ang kanyang mga mata. "H-Ha?! Wala, 'no! Ina-appreciate ko lang ang kanilang courage sa pagco-confess. Ang hirap kayang mag-confess sa kinikimkim mo!"
Ngumuso ako at tumango-tango. Oo nga naman. Mahirap iyon. Ako na kinikimkim ang lahat-lahat, mahirap sa'kin sabihin ang totoong nararamdaman. Pero 'yong sa'kin ay hindi dahil sa nahihiya ako, binabalewala ko dahil hindi naman importante.
Sumubo ulit ako ng champorado. Binalingan ko ang direksyon nina Chancellor at 'yong kaklase ni Sharon.
Nakita ko kung paano namula ang buong mukha ng babae habang binibigay iyong isang sobre sa kanya. Love letters ba 'yon?
"Uso pa pala 'yan?" kuryosong tanong ni
Nelia.
"Artistic kasi siya kaya ganyan."
May nilabi si Chancellor sa kanya at ngumiti. The girl flinched. Tumakbo rin si Chance at siguro'y nagpasalamat muli bago ito tuluyang umalis.
Bakit ba interesado sila sa mga ganyan? Mga crush-crush? E, aksaya lang naman sa oras 'yan. Bakit 'di sila mag-focus para sa kinabukasan ng pamilya nila? Kaya wala akong nakakaibigan dito sa campus dahil magkaiba kami ng pag-iisip. Sila Nelia lang ang naging kaibigan ko dahil may ganoon din naman siyang mindset. Si Sharon, bata pa pero alam kong magma-mature din siya.
"Doon muna ako sa inyo. Umalis sina
Papa," masayang sabi ni Nelia.
"Oo ba. Sinong susundo sa'yo?" tanong ko.
Alas cuatro y media ng hapon kami pinalaya. Dapat three thirty iyon pero nag adjusted time kaya 4 na lang.
"Sila Papa!" Ngumiti ang mga mata ni Nelia.
Pagkauwi ko ng bahay, kasama ko si Nelia. Nagulat si Nanay ng nagdala ako ng kaibigan. Kilala naman niya si Nelia. Sa totoo lang, nagkaibigan lang naman kami ni Nelia dahil sa mga nanay namin.
Pinahiram ko siya ng mga damit ko. Magkasing-size lang naman kami. Mas mataas ako ng kaunti, pero kasya naman sa kanya.
"Kunan niyo kami ng santol doon kila Aling Vicky," utos ni Nanay sa'min noong nag-uusap kami nina Sharon.
Sumunod naman kami. Malapit lang naman. Kaso ay 'di ko tanaw kung alin ang dapat kunin.
"Kunin mo 'yong pang-sungkit," sabi ko.
Wala namang magandang bunga ngayon. Hindi rin masyadong kita. Halos mabali ang leeg ko kaka-tingala para lang i-check kung may santol bang puwedeng kunin.
Napatalon ako at mabilis na tinakpan ang ulo dahil sa paglipad ng isang bato. 'Di ko alam kung malaki ba o maliit.
"Hala, sorry!"
"Gago, Chance..."
May narinig akong halakhakan sa likod. May tunog ng tsinelas ang papunta sa'kin. Pero bago pa siya makadalo ay tumayo ako galing sa pag-ilag.
I faced him. His face lightened up but with still, there is concern. But it's more like a teasing one. Hindi iyong sincere.
Blangko ko siyang tiningnan sandali at tinanggalan na ng pake.
"Nasaktan ka ba?" tanong niya sa'kin.
Hindi hinarap, may sinabi ako. "Huwag na
kayong mag-bato kung saan-saan. 'Di niyo alam kung sinong matatamaan
niyo."
"Sorry. Sila kasi!"
"Anong kami!? Ikaw 'yong may hawak ng bato!
"Akin na 'yong sungkit."
Inabot sa'kin ni Nelia ang sungkit. Hindi naman masyadong mataas ang kahoy. May tinuro si Sharon at mukhang maganda nga iyon.
Sobrang makulay. Halatang hinog na hinog. Marami pang tinuro sila Nelia.
"Oy, Amor! Bakit mo kinukuha 'yan, e amin
'yan?" sabat noong lalaki sa likod.
"Wala namang pangalan niyo," simpleng
sagot ko, abala sa pagsungkit pa. Marami e.
"Kahit na! Amin 'yan!"
"Tama na 'yan. Magtira ka naman!"
Nagsumbong pa kay Chance. Siya talaga ang mastermind nila, 'no? Matalim ang mga mata ko nang sinulyapan ko siya sa gilid ng aking mga mata.
"Huwag kang matiklop kay Amor, Chance! Pagsabihan mo! Atin 'yan, 'di ba?"
Binigay ko kila Nelia ang sungkit. Dala rin ni Sharon ang basket. Suminghap si Nelia at umirap. Halatang inis siya.
"Ano ba kayo? Ayos lang 'yon! Ibigay na lang natin sa kanila!" masaya ang boses niya at aprubadong-aprubado sa ginawa ko.
Nakatalikod ako sa kanya. I was shocked by didn't show it.
"Ha?!"
Lumingon ako sa kanila. Ngumisi si Chance sa'kin at tumingin sa mga kaibigan na litong-lito sa ginagawa nito. Ako rin.
Nag-gesture siya na tila may ibinubulong sa mga kaibigan.
"Baka isumbong tayo!" bulong niyang pasigaw.
Dumaan sa mukha ng kaibigan niya ang realisasyon. Kaya pala? Kaya pala nagmamagandang-loob siya?
Lumingon ulit siya sa'kin. He was devilishly smiling at me. Ang makakapal niyang kilay ay dumagdag pa para ma-emphasize ang kanyang ngisi.
Nanliit ang mga mata ko at tumalikod.
"Ah! Oo nga pala! Pero best friend mo siya, 'di ba?"
Inaya ko na sila Nelia paalis doon. Something inside me was burning. May tawanan pa akong narinig mula sa kanila kaya mas lalong nagalit ako sa kaloob-looban. I just bit my lip to refuse from looking back.
Narinig ko rin ang tawa ni Chancellor. Marami pa siyang kagago-han na sinabi. Mga birong 'di dapat bitawan kung ayaw masapak.
"Bye, Amor! Ingat!" pahabol nitong
sigaw. "Ay! Best friend pala!"